|
||||||||
|
||
Senador Ejercito, ibabalik ang P 10 milyon
HINDI NAMAN NAMIN HINILING ANG PONDO. Ito ang sinabi ni Senador Jayvee Ejercito sa idinaos na Senate Forum kanina. Handa siyang ibalik ang P 10 milyong nagmula sa DAP na deklarado ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas. Nanawagan din siya sa Malacanang na ilabas na ang talaan ng mga nakinabang sa DAP. (Senate PRIB Photo)
SINABI ni Senador Joseph Victor Ejercito na handa niyang ibalik ang P 10 na natanggap mula Disburseme Acceleration Program ng Malacanang. Magmumula ang salapi sa kanyang sariling bulsa.
Ayon sa mga balitang lumabas sa media, sinabi ni Ejercito na nakatanggap siya ng P 10 milyon mula sa DAP allocatons noong 2012 bilang dagdag sa regular na P 70 milyon entitlement bilang isang kongresista ng San Juan sa ilalim ng Priority Development Assistance Fund.
Sa isang news forum sa Senado, sinabi niyang kung magdedesisyon ang hukuman na kailangang ibalik ang halaga at kung mayrong paraan upang makwenta ito, handa siyang ibalik ang halaga. Wala umano silang pagpipilian kungdi ibalik ang salapi mula sa kanilang sariling bulsa.
Hinamon niya ang Malacanang na ilabas ang talaan ng mga nakatanggap ng DAP sa halip na hingin sa mga mambabatas na maglabas ng kwenta. Niliwanag niyang hindi naman nila hiningi ang halaga bagkos ay sinabihang kilalanin ang proyektong nais nilang gastusan.
Ipinagtataka ng mambabatas kung bakit nag-aatubili ang Malacanang na ilabas ang listahan ng mga mambabatas na tumanggap ng pondo mula sa kontrobersal na DAP.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |