|
||||||||
|
||
Obispo, nalungkot sa ginagawa ng ilang mga tumutulong sa mga binagyo
IKINALUNGKOT ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang ginagawa ng ilang mga tumutulong sa mga biktima ni "Yolanda" na ang kapalit ay pagbabago ng relihiyon.
Hindi binanggit ni Bishop Varquez ang ilang grupo subalit sinabi niyang nagre-recruit ng mga nakaligtas na karamiha'y mga Katoliko sa pamamagitan ng financial at relief aid.
Nagsasamantala umano ang mga grupong ito sa pangangapital sa pangangailangan ng mga biktima.
Sa ganitong pagkakataon, nananawagan ang obispo sa suriin ang katapatan ng mga ito sa pagtulong sa kapwa. Kung talagang tutulong ay huwag na sanang ganitan ng mga kondisyon.
Kawalan ito ng paggalang, dagdag pa ng obispo. Una ng pinuna ng obispo ang ilang international at local non-government organizations na namamahagi ng mga contraceptives tulad ng condoms at pills sa mga biktima ni "Yolanda."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |