|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pangulong Aquino tinawagang suportahan ang mina
NANAWAGAN si Julian Payne, Pangulo ng Canadian Chamber of Commerce in the Philippines kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na sabihin sa kanyang napipintong State of the Nation Address ang suporta sa minerals development bilang mahalgang bahagi ng pamamaraan ng kanyang estratehiya upang magkaroon ng inclusive growth at economic development.
Sa kanyang pagharap sa isang pagtitipon sa Minerals Development Policy sa Development Academy of the Philippines, nanawagan siya na kimilos upang makahabol ang Pilipinas sa larangan ng pagmimina sa ibang bansa.
Ipinaliwanag ni G. Payne na ang mga banyagang mangangalakal ay umaasang mangangako ang pamahalaang kikilalanin at ipatutupad ang nilalaman ng Mining Act of 1995. Kailangang magkaroon ng pagbabalik-aral sa "No Go Zones" sa mga mapa na nailathala na diumano'y gumawa sa 85% ng bansa bilang "off limits" sa minerals exploration.
Kahit pa umano sinasabi ng mga autoridad na sumusuporta sila sa environmentally at socially responsible mining, maraming nakikitang taliwas na gawi ang mga pambansa at lokal na mga autoridad na siyang nagpapahina sa industriya. Atras-abante umano ang pamahalaan.
Ipinaliwanag niyang may pagsusuri ang International Monetary Fund noong 2012 na nagsasabing ang mga batas sa pagmimina sa Pilipinas ay mahirap ng sundin ng mga banyagang kumpanya. Sa pagkilos ng pamahalaan na kanselahim ang Investment Tax Hoiliday para sa mga mangangalakal at napipintong pagkasela ng cost recovery period para sa foreign investors, ang fiscal regime sa pagmimina ay wala nang laban para sa mga local at foreign investments kung ihahambing sa kalakalaran sa ibang bansa.
Iminungkahi ni G. Payne na kailangang magkaroon ng Mining Economic Zones tulad ng Philippine Economic Zone Authority. Ipinanukala rin niya na 50% ng mining revenue na natatanggap ng pambansang pamahalaan ay dagliang ibigay sa local government units na kinalalagyan ng mga minahan. Ang 40% ng direct taxation ay para sa LGUs subalit napakabagal ng pamamahagi ng pambansang pamahalaan.
Mas maasahan umano ang malalaking mga kumpanya ng mina kaysa sa maliliit at mga illegal na operasyon sa kabundukan at kanayunan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |