|
||||||||
|
||
20140717Melo
|
MULA sa limang nasawi kahapon, umakyat na ito sa 38 kaninang umaga. Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council, walo ang nawawala samantalang 10 ang nasugatan sa Ilocos, Central Luzon, Southern Luzon, Bicol, Eastern Visayas at Metro Manila.
Umabot na sa 1,006,360 katao ang apektado ng bagyong "Glenda" samantalang mayroong 530,689 katao ang nasa evacuation centers.
Deklarado na ang State of Calamity sa mga lalawigan ng Albay at Camarines Sur, Quezon at maging sa Lungsod ng Naga. May 15 mga lansangan at apat na tulay sa Central Luzon, Southern Luzon, Bicol at Eastern Visayas ang di madaanan dahilan sa pinsala at pagbaha.
Labing-tatlong mga lalawigan at isang lungsod ang nakaranas ng kawalan ng kuryente mula noong Martes sa pagbagsak ng mga transmission lines sa Bicol Region. Umabot na rin sa 7,002 tahanan ang tuluyang napinsala samantalang may 19,257 ang partially damaged.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |