|
||||||||
|
||
Arkediyosesis ng Lipa, hinagupit din ni "Glenda"
ABALA ang mga Batangueno sa paglilinis ng kani-kanilang mga bakuran isang araw matapos madama ang lupit ni "Glenda" na nanalasa sa buong lalawigan.
Sa isang panayam, sinabi ni Arsobispo Ramon C. Arguelles ng Lipa na maraming mga nasirang mga tahanan sapagkat tinangay ng hangin ang kanilang mga bubong.
Nakapaghanda ang kanilang Social Action Center bago pa man tumama ang bagyo at dumadalo na sa mga nangangailangan ng tulong. Nangangamba si Arsobispo Arguelles na maraming nawalan ng tahanan at mangangailangan ng salapi upang maipagawa ang kanilang mga napinsalang bahay.
Bagama't walang nakitang mga pulis sa mga lansangan kahapon, sinabi ni Arsobispo Arguelles na naniniwala siyang walang naganap na krimen maliban na sa paghahabol ng mga inilipad na yero sa iba't ibang bahagi ng arkediyosesis.
Napinsala rin ang Calumpang Bridge sa Batangas City at malaking kawalan ito sa mga naninirahan sa pook, dagdag pa ni Arsbispo Arguelles.
Kung mayroon mang magandang nagaganap ngayon sa lalawigan ay ang patutulungan ng magkakapitbahay sa paglilinis ng kanilang kapaligiran, dagdag pa ni Arsobispo Arguelles.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |