|
||||||||
|
||
Kalihim ng Paggawa, nanawagan sa employers
UPANG gumaan ang kalagayan ng mga kawaning may krisis dala ng nakalipas na hagupit ng bagyong si "Glenda," nanawagan si Kalihim Rosalinda dimapilis-Baldoz sa mga may kumpanya na bigyan ng insentibo o benepisyo ang mga manggagawang nagtrabaho sa kasagsagan ng sama ng panahon.
Ipinalalala ni Kalihim Baldoz ng Department of Labor and Employment ang napapaloob sa mga kautusan sa suspension ng trabaho dahilan sa bagyo.
Ipinaliwanag pa niya na kung hindi pumasok ang isang manggagawa, wala siyang matatanggap na benepisyo. Subalit kung mayroong maayos na company policy, practice at ipinatutupad na collective bargaining agreement na nagbibigay ng sahod kahit pa hindi pumasok ang isang manggagawa.
Kung ang isang kawani ay mayroong accrued leave credits, ang isang manggagawa o kawani ay maaaring payagang gamitin ang "leave" upang makatanggap pa siya ng biyaya sa araw na may sama ng panahon.
Obligado ang mga kawani na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang manggagwa sa paglalaan ng walang pasaheng sasakyan, pagkakaroon ng pagkain, personal protective equipment at first-aid medicines kung kakailanganin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |