|
||||||||
|
||
Mga lalawigan ng Quezon at Laguna, nangangailangan ng tulong
SINABI ni Social Welfare and Development Secretary Corazon Juliano Soliman na nangangailangan ng tulong ang Quezon at Laguna matapos hagupitin ni Glenda kahapon.
Inaalam pa rin ni Kalihim Soliman ang pangangailangan ng mga mamamayan sa Central Luzon kabilang na ang mga lalawigan ng Zambales at Bataan.
Napuna nina Kalihim Soliman na maraming tahanan ang napinsala sa malakas na buhos ng ulan at malakas na hanging dala ni "Glenda." Inaalam pa rin niya ang kalagayan ng mga taga-Bondoc Peninsula sa Quezon Province.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |