|
||||||||
|
||
Rotating brownouts, magaganap
DAHILAN sa pagkasira ng ilang planta ng kuryente, mapipilitan ang MERALCO o Manila Electric Company na magpatupad ng tigta-tatlong oras ngayong Huwebes sa ilan sa kanilang pinaglilingkuran.
Magkakaroon ng browounts sa Maynila, Makati, Quezon City, Bulacan at Pasay City.
Sa isang pahayag, ang tatlong oras na Emergency Manual Load Dropping o rotating brownout ay ipinatutupad dahilan sa kawalan ng ilang kumpanya sa katimugang bahagi ng Metro Manila na makapaglabas ng sapat na kuryente. Nauna ng sinabi ng tagapagsalita ng Meralco na si Jose Zaldarriaga na naibalik na ang kuryente sa 81% ng Mwetro Manila subalit 64% pa lamang ng pangkalahatang sakop nila ang may kuryente mula kahapon ng umaga.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |