|
||||||||
|
||
20140724melo
|
SINABI ni Budget and Management Secretary Florencio Abad na isang problema sa pamahalaan ang mga proyektong hindi matatapos dahilan sa desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Disbursement Acceleration Program.
Ito ang sinabi ni G. Abad sa kanyang pagharap sa Senado kanina. Bagama't maraming naniniwala na tapos na ang mga proyektong ito, inaalam nila kung alin ang nabimbin. Kokunsulta umano sila sa mga dalubhasa sa batas kung ano ang kanilang magagawa sapagkat hindi gasinong maliwanag sa kanila ang desisyon ng Korte Suprema.
KALIHIM FLORENCIO ABAD, HUMARAP SA SENADO. Makikitang nag-uusap sina Senate Finance Committee Chairman Francis G. Escudero (kaliwa) at Budget and Management Secretary Florencio Abad (kanan) bago nagsimula ang talakayan sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program. Sinabi ni G. Abad na umabot sa P 237 bilyon ang savings na kanilang ginamit sa mga proyektong may orihinal na budget na P 167 bilyon. Nakapaglabas sila ng P 144.3 bilyon, dagdag pa ni G. Abad. (PRIB Photo/Joseph Vidal)
Sa kanyang opening statement, sinabi ni G. Abad na ang DAP ay isang "spending reform measure" upang mapadali ang paggasta at mapasigla ang kaunlaran sa ekonomiya. Sa pagpapatupad nito, layunin nilang matiyak na ang pondo ay maayos na nagamitupang maipatupad ang social services at maihatid ang mga kailangan ng mga mamamayan, lalo na ng mahihirap. Sa pamamagitan ng DAP, mapaliliit ang leakages at wastage, dagdag pa ni G. Abad.
Sa pagluklok ni Pangulong Aquino noong 2010, sinimulan nila ang isang kampanyang nagpapatuloy ngayon, ang pagkakaroon ng greater transparency, accountability at openness sa burukrasya ng bansa. Kinailangan ang pagkakaroon ng paglilinis at inatasan ang mga kagawaran at mga tanggapan na pagbalik-aralan ang kanilang mga prosesos at mga transaksyon.
Noon umanong mga nakalipas na pamahalaan, nagtagal ang mga proyekto sapagkat maraming mga papel at lagdang kailangan. Mayroon ding kakulangan ng kakakayahan sa pagbabalak at mabagal na pagbili ng mga kailangan. Higit umano sa isang taon ang kailangan upang masimulan at matapos ang mga proyekto.
Sa kanilang mga nakitang solusyon, sinimulan nila ang DAP upang gumanda ang takbo ng pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |