Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hindi tapos na mga proyektong tinustusan ng DAP, isang problema

(GMT+08:00) 2014-07-24 19:11:59       CRI

Pagbabalita ng tagumpay ng Kapayapaan sa Bangsamoro, tila naudlot

INAASAHAN sanang maibabalita ni Pangulong Aquino ang tagumpay na makakamtan sa pagkakasundo hinggil sa Bangsamoro Basic Law. Subalit hindi ito magaganap matapos lumabas ang balita na hindi pa naisasaayos ang panukalang Bangsamoro Basic Law na nararapat sanang ibigay ng pangulo sa Kongreso sa kanyang State of the Nation Address sa darating na Lunes, ika-28 ng Hulyo.

BANGSAMORO BASIC LAW, TINIK PA RIN.  Naniniwala naman si UP Asian Studies Professor Eduardo C. Tadem na tinik sa pamahalaan ang hindi pagkakasundo tungol sa Bangsamoro Basic Law.  Ani Prof. Tadem, kontra ang mga MILF sa ginawang pagbabago ng mga legal experts ng pamahalaan sa panukalang batas.  (Melo Acuna) 

Ani Professor Eduardo C. Tadem, Professor of Asian Studies sa University of the Philippines, ang panukalang Bangsamoro Basic Law ay binuo ng Bangsamoro Transition Commission na pinamumunuan ni G. Mohaqer Iqbal ng MILF. Isinumite ito sa Malacanang at pinag-aralan ng mga dalubhasa sa batas at binago ang nilalaman ng Bangsamoro Basic Law. Hindi umano natuwa ang pamunuan ng MILF sa pamamagitan ni Chairman Al Haj Murad Ebrahim sa ginawang pagbabago at naringgan ng pahayag na hindi sila papaya na baguhin ang mga kasunduang nalagdaan na noong mga nakalipas na buwan.

Ipinaliwanag ni Prof. Tadem na nanindigan ang mga dalubhasa sa batas sa panig ng Malacanang na kailangang magkaroon ng pagbabago sapagkat magkakaroon ng problema sa Saligang Batas at maaaring hindi makapasa sa Kongreso ang panukala. Nangangamba rin sila na baka hindi makalusot sa Korte Suprema ang panukalang batas kung sakaling iparating ang usapin sa hukuman.

Hinggil sa pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ni "Yolanda", hindi pa umano nadarama ang programa upang magkatotoo ang rehabilitasyon. Umaasa siyang magpaparamdam ang mga biktima ni "Yolanda" sa darating na State of the Nation Address.

Hindi umano naganap ang pangangkong mapabilis ang pag-unlad ng ekonomiya sapagkat hindi naging maliwanag ang inclusive growth na madalas banggitin ng pamahalaan. Samantalang mayroong 7% annual growth rates, kahit mas mababa ngayon, ay kung saan nagaganap ang kaunlaran. Higit umanong lumaki ang agwat ng mahihirap sa mayayaman. Hindi nakinabang ang mahihirap sapagkat ang nakinabang sa kaunlaran ay ang mayayaman at super sa kayamanan.

Mayroong growth sa property development at services sector ng lipunan kaya't walang pakinabang ang karamihan ng mga mamamayan.

Sa State of the Nation Address makikita ang entertainment value sa mga kasuotan ng mga mambabatas at hindi sa nilalaman nito. Problema ang DAP at ang hindi pagtugon sa pangangailangan ng mga binagyo at hindi pagtutuldok ng peace agreement sa mga Bangsamoro.

Marami pa ring mga lupaing hindi naipamamahagi sapagkat kung wala ang agrarian reform, walang anumang kaunlarang magaganap sa kanayunan, dagdag pa ni Professor Tadem.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>