|
||||||||
|
||
Walang Filipinong nasawi sa pagbagsak ng eroplano sa Taiwan
SINABI ni Asst. Secretary Charles Jose ng Department of Foreign Affairs na walang Filipino ang nakasakay sa sinamang-palad na TransAsia Airways flight na bumagsak sa kasagsagan ng bagyo kagabi.
Ayon kay G. Jose, ang mga kinatawan ng Pilipinas sa Taiwan ay nagsabing walang mga Filipinong nakasakay sa TransAsia flight na bumagsak kagabi.
Ibinalita kaninang umaga na mayroong 48 katao ang nasawi samantalang 10 iba pa ang nasugatan sa pagbagsak ng eroplano sa Penghu. May dalawang French nationals sa biyahe. Kinilala silang sina Jeromine Deramond at Penelope Luternauer. Beterano ang piloting si Lee Yi-liang sa paglilingkod sa nakalipas na 22 taon samantalang ang kanyang co-pilot na si chiang Kuan-hsing at nasa serbisyo sa nakalipas na dalawa't kalahating taon.
Galing sa Kaoshiung ang eroplano at nakatakdang maglakbay sa loob ng kalahating oras ng bumagsak ganap na ika-pito ng gabi sa kasagsagan ng bagyong "Matmo" na pinangalanang "Henry" sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |