Limang mga international airlines, lilipat na sa NAIA 3
MULA sa susunod na linggo, limang international airlines ang lilipat na sa NAIA 3 para sa kanilang operasyon. Ayon sa Department of Transportation and Communications, isang full-scale global gateway na ang NAIA 3 sa pangyayaring ito.
Ang mga eroplano ng Delta Airlines, KLM, Singapore Airlines, Cathay Pacific at Emirates Air ang gagamit ng NAIA 3 mula sa unang araw ng Agosto. Ililipat na nila ang kanilang operasyon mula sa antigong NAIA 1.
1 2 3 4 5 6