|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, maraming kinakaharap na problema
NANINIWALA si Professor Richard Heydarian ng Ateneo de Manila University na maraming kinakaharap na pagsubok si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III matapos mabalot sa kontrobersya ang kanyang pamahalaan sanhi ng Disbursement Acceleration Program.
Magugunitang naglabas ng desisyon ang Korte Suprema noong unang araw ng Hulyo na labag sa saligang batas ng bansa ang ginawang palatuntunan ng pamahalaan.
MARAMING PROBLEMA SI PANGULONG AQUINO. Ito ang pahayag ni Ateneo de Manila University Professor Richard Heydarian sa isang panayam. Kabilang ang DAP, pagtugon sa mga binagyo at ibang problema ang nagpapahina sa acceptability ni Pangulong Aquino. (Melo Acuna)
Sa isang panayam, sinabi ni Prof. Heydarian na bumulusok ang popularidad ni Pangulong Aquino sa pinakahuling pagsusuri ng mga pribadong ahensya. Isa sa mga suliraning kinakaharap ni Pangulong Aquino ang hindi pag-usad ng mga ipinangakong 15 Private – Public Partnerships sapagkat may mga pagdududa at mga problema sa mga negosasyon at batas ng bansa. Ani Prof. Heydarian, isa o dalawa lamang sa 15 PPP ang maaaring magkatotoo. Isang problema pa ang kakulangan ng napakamahal at 'di maaasahang kuryente sa bansa.
Ang korupsyon sa Pilipinas ay sintomas lamang ng mas malalalim ng problema, dagdag pa ng propesor. Kahit pa umano ang koordinasyon sa pagitan ng pamahalaang pambansa at pamahalaang lokal ay 'di nakita ng humagupit si "Yolanda" sa Central Philippines noong nakalipas na Nobyembre.
Nakita rin ang nakalulungkot na situasyon ng pandaigdigang media kaya't may serye ng pagpuna sa pamahalaan ni Pangulong Aquino. Hindi pa nadarama ang pagbawi ng mga mamamayan matapos ang bagyong tumama sa bansa. Nakaapekto ito sa net satisfaction rating ng pangulo sa pananaw ng mga mamamayan.
Isang masakit na katotohanan, ani Professor Heydarian, ang pagkakabatid ng mga mamamayan na hindi pala si Pangulong Aquino ang sagot sa mga problema ng bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |