|
||||||||
|
||
Simbahan, may panibagong mga proyekto
NANGANGAILANGAN ang iba't ibang bahagi ng Quezon, Camarines Sur, Albay at Sorsogon. Ito ang pahayag ni Fr. Edu Gariguez, Executive Secretary ng National Secretariat of Social Action, Justice and Peace sa isang panayam.
Hindi na umano nangangailangan ang mga taga-Diocese of Lucena sapagkat kaya na nila tulungan ang mga apektado ni "Glenda."
"Bagama't hindi buong mga lalawigan ang apektado sapagkat mayroong "pockets" o maliliit na mga pook na napinsala" dagdag pa ni Fr. Gariguez. Kasama ng CBCP-NASSA ang Catholic Relief Services at Caritas Manila. Nakahingi rin sila ng tulong sa CARIS o Caritas Singapore. Magbibigay ang Caritas Manila ng 3,000 foodpacks sa Diocese of Gumaca sa tulong na rin ng Basilica ng Itim na Nazareno na kilala sa pangalang Quiapo Church.
May tig-iisang milyong piso na mula sa Catholic Relief Services, Caritas Manila at Caritas Singapore. Hihingi rin sila ng P 1 milyon mula sa Caritas Manila para sa pabahay. Hindi muna manghihingi sa ibang bansa sapagkat nangangamba silang magkakaroon pa ng mga darating na sama ng panahon at baka magkaroon ng donors' fatigue.
Karamihan ng mga napinsala sa Diocese of Gumaca sa katimugang bahagi ng Quezon ay nasa tabing-dagat. Mayroong 333 mga tahanang hindi na matitirhan sa isang barangay sa Pitogo. Problema rin ang kabuhayan sapagkat sa lakas ng hangin ay napinsala ang mga pananim na saging at niyog. Karaniwang ginagamit nila ang kanilang mga tanim na saging para sa kanilang pang-araw-araw na panggastos.
Housing materials ang ibibigay sa mga nawalan ng tahanan subalit magkakaroon ng mga dalubhasang tutulong sa mga biktima upang matiyak na makatatayo ng matibay ang bahay. Hindi sila makakatulong sa palatuntunang pangkabuhayan sapagkat limitado ang pondo.
May koordinasyon sila sa mga pamahalaang panglalawigan at bayan upang maisawan ang duplication ng pagtulong sa mga biktima. May mga pook na hindi nararating ng mga taga-pamahalaan at iyon ang kanilang tututukan. Prayoridad nila ang mga pinaka-apektado at higit na nangangailangan sa kanilang mga tutulungan.
Tumutulong ang Simbahan sa mga nangangailangan at hindi na tinitingnan ang relihiyon ng mga biktima. Base sa pangangailngan ang kanilang pamantayan at hindi ang pananampalataya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |