|
||||||||
|
||
您先请 别这么客气
20140721Aralin17Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusa
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsama sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Noong nakaraang linggo, pinagtuunan natin ng pansin ang mga pangungusap na may kinalaman sa pagtitipon ng pamilya. Sa araling ito, dadalo tayo sa isang bangkete! Pero bago tayo magpakabusog, pag-aralan muna natin ang ilang ekspresyon na maari nating gamitin sa naturang okasyon. Ang mga pangungusap na matututunan natin ay ang mga sumusunod:
您(nín)先(xiān)请(qǐng). Pagkatapos ninyo.
别(bié)这(zhè)么(me)客(kè)气(qi). Huwag ka nang magpakapormal.
为(wéi)大(dà)家(jiā)的(de)身(shēn)体(tǐ)健(jiàn)康(kāng)干(gān)杯(bēi)!Uminom tayo sa ating mabuting kalusugan!
感(gǎn)谢(xiè)你(nǐ)们(men)的(de)热(rè)情(qíng)款(kuǎn)待(dài). Salamat sa inyong magandang pagtanggap sa amin.
Sa isang bangkete, kung gusto ninyong paunahin ang isang binibini o ibang tao sa pagkuha ng pagkain para ipakita ang inyong paggalang, maari ninyong sabihing "Pagkatapos ninyo." Sa wikang Tsino, ito ay:
您(nín)先(xiān)请(qǐng).
Ang您(nín) ay magalang na porma ng你(nǐ). Ang您(nín) ay isang panghalip na ginagamit ng mga kabataan sa mga nakakatanda sa kanila o sa mga nakakataas sa kanila sa posisyon, o ng mayhanda sa kaniyang bisita, na nagpapakita ng paggalang.
先(xiān), mauna.
请(qǐng), pakiusap.
Narito ang unang usapan:
A:您(nín)先(xiān)请(qǐng)! Pagkatapos ninyo.
B:好(hǎo)。别(bié)这(zhè)么(me)客(kè)气(qi)!Okey. Huwag ka nang magpakapormal.
Ano naman ang pinakaakmang sagot sa "您(nín)先(xiān)请(qǐng)"? Narito ang isang reperensiya--Huwag ka nang magpakapormal.
别(bié)这(zhè)么(me)客(kè)气(qi)!
别(bié), huwag.
这(zhè)么(me), ganito.
客(kè)气(qi), magalang.
Naritong muli ang unang usapan:
A:您(nín)先(xiān)请(qǐng)! Pagkatapos ninyo.
B:好(hǎo)。别(bié)这么(zhème)客气(kèqi)!Salamat. Huwag ka nang magpakapormal.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |