|
||||||||
|
||
我很高兴认识你的家人 这是我的拿手菜
20140714Aralin16Day1.mp3
|
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsama sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Noong nakaraang linggo, natutunan natin ang hinggil sa pagkain sa kalye. Ngayon, dumako naman tayo sa misyon sa linggong ito.
我(wǒ)很(hěn)高(gāo)兴(xìng)认(rèn)识(shi)你(nǐ)的(de)家(jiā)人(rén)。Ikinalulugod kong makilala ang mga miyembro ng iyong pamilya
这(zhè)是(shì)我(wǒ)的(de)拿(ná)手(shǒu)菜(cài)。Itong putaheng ito ay espesyalti ko.
下(xià)次(cì)请(qǐng)你(nǐ)们(men)到(dào)我(wǒ)家(jiā)做(zuò)客(kè)。Sa susunod punta naman kayo sa bahay ko.
你(nǐ)多(duō)吃(chī)点(diǎn)儿(ér)。Huwag kang mahihiyang kumuha pa.
Ang mga Tsino ay kilala sa kanilang magandang pakikitungo at mahalaga rin namang malaman kung paano nila ipinakikita ang magandang pakikitungong ito sa kanilang mga panauhin na siyang magiging pokus ng ating pag-aaral ngayong linggo. Ang unang pangungusap na pag-aaralan natin ngayon ay "Ikinalulugod kong makilala ang mga miyembro ng iyong pamilya". Sa wikang Tsino, ito ay:
我(wǒ)很(hěn)高(gāo)兴(xìng)认(rèn)识(shi)你(nǐ)的(de)家(jiā)人(rén).
我(wǒ), ako.
很(hěn), napaka o masyado.
高(gāo)兴(xìng), masaya.
认(rèn)识(shi), makilala.
你(nǐ)的(de), iyo.
家(jiā), tahanan. 人(rén), tao. 家(jiā)人(rén), miyembro ng pamilya, kapamilya.
Narito ang unang usapan:
A: 欢(huān)迎(yíng)你(nǐ)来(lái)做(zuò)客(kè)。Tuloy kayo.
B:我(wǒ)很(hěn)高(gāo)兴(xìng)认(rèn)识(shi)你(nǐ)的(de)家(jiā)人(rén)。Ikinalulugod kong makilala ang mga miyembro ng iyong pamilya.
Narito ang ikalawang pangungusap: Itong putaheng ito ay espesyalti ko. Sa wikang Tsino, ito ay:
这(zhè)是(shì)我(wǒ)的(de)拿(ná)手(shǒu)菜(cài).
这(zhè), ito.
是(shì), katagang nagbibigay-diin.
我(wǒ)的(de), akin.
拿(ná)手(shǒu), bihasa o dalubhasa.
菜(cài), putahe.
Narito ang ikalawang usapan:
A:这(zhè)是(shì)我(wǒ)的(de)拿(ná)手(shǒu)菜(cài)。你(nǐ)尝(cháng)尝(cháng)。Ito ay espesyalti ko. Pakitikim naman.
B:不(bú)错(cuò)。挺(tǐng)好(hào)吃(chī)的(de)。Ang galing. Ang sarap nito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |