|
||||||||
|
||
你们喜欢吃辣的吗 我喜欢吃羊肉串
20140708Aralin15Day1.mp3
|
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po, sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Ang araling ito ay may kinalaman sa pagkain sa kalye. Ang mga pagkain mula sa Sichuan, Hunan o iba pang lalawigan ng Tsina ay maanghang. Kaya mahalagang matutuhan kung paanong itanong ang "Gusto ba ninyo ng maanghang na pagkain ?" sa wikang Tsino, ito ay:
你(nǐ)们(men)喜(xǐ)欢(huan)吃(chī)辣(là)的(de)吗(ma)?
你(nǐ)们(men), kayo.
喜(xǐ)欢(huan), gusto.
吃(chī), kumain.
辣(là), maanghang. 的(de), kataga na nagpapahiwag ng pang-uri.辣(là)的(de), maanghang.
吗(ma), kataga sa hulihan ng pangungusap na nagpapahiwatig ng tanong.
Narito ang unang usapan:
A:你们喜欢吃辣的吗? Gusto ba ninyo ng maanghang na pagkain?
B:喜欢。Oo, gusto ko.
Ang barbikyung karne ng tupa, isa sa maaanghang na pagkain, ay popular na popular sa mga Tsino lalo na doon sa mga taga-hilaga. Paano sinasabi ng mga Tsino ang "Mahilig akong kumain ng barbikyung karne ng tupa? " Ito ay:
我(wǒ)喜(xǐ)欢(huan)吃(chī)羊(yáng)肉(ròu)串(chuàn).
我(wǒ), ako.
喜(xǐ)欢(huan), gusto.
吃(chī), kumain.
羊肉, karne ng tupa.
串(chuàn) dito ay isang salitang panukat na nangangahulugan ng tali, bungkos o kumpol.
羊(yáng)肉(ròu)串(chuàn), barbikyung karne ng tupa.
Narito ang ikalawang usapan:
A:你(nǐ)想(xiǎng)吃(chī)什(shén)么(me)? Ano ang gusto mong kainin?
B:我(wǒ)喜(xǐ)欢(huan)吃(chī)羊(yáng)肉(ròu)串(chuàn)。Mahilig akong kumain ng barbikyung karne ng tupa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |