|
||||||||
|
||
您的发票带来了吗 您给退了吧
wikangtsinoaralin19
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusa
Natural lang na tanungin kayo ng mga nagtitinda sa supermarket ng "dala po ba ninyo ang resibo?"
您(nín)的(de)发(fā)票(piào)带(dài)来(lái)了(le)吗(ma)?
您(nín), panghalip na panao at magalang na porma ng你(nǐ). 的(de) salitang auxiliary na ginagamit kasunod ng panghalip na panao at nagpapakita ng paaring bersyon ng panghalip. 您(nín)的(de), inyo o ninyo.
发(fā)票(piào), resibo.
带(dài), dalhin o dala.
Ang来(lái) dito ay ginagamit kasunod ng pandiwang带(dài) para ipakahulugang ang aksyon ay patungo sa nagsasalita.
了(le) , kataga na tumutukoy sa kaganapan ng aksiyon.
吗(ma), katagang patanong.
Naritong muli ang ikalawang usapan:
A:这个(zhè ge)可能(kě néng)坏(huài)了(le),我(wǒ)想(xiǎng)退货(tuì huò)。Parang may diperensiya ito. Gusto ko sanang isauli.
B:您(nín)的(de)发票(fā piào)带来(dài lái)了(le)吗(ma)? Dala po ba ninyo ang resibo?
A:带(dài)了(le)。Oo, nandito sa akin.
Sa sumusunod na usapan, iminumungkahi ng tagapagbili sa kostumer na palitan na lamang ng bago ang shampoo. Pero talagang gusto ng kostumer na isauli na lang ito. "Pakitulong naman para maisauli ko ito." Sa ganoong kaso, sasabihin ng Tsino:
您(nín)给(gěi)退(tuì)了(le)吧(ba).
您(nín), panghalip na panao at magalang na porma ng你(nǐ).
Ang给(gěi) ay orihinal na nangangahulugan ng ibigay. Dito, ito ay gumaganap ng tungkulin ng katagang nauuna sa pandiwa para ipakita ang pagbibigay-diin.
退(tuì), isauli.
了(le), salitang panghimok.
吧(ba), katagang pangkahilingan.
Narito ang ikatlong usapan:
B:给(gěi)您(nín)换(huàn)一(yī)个(gè),行(háng)吗(ma)? Maari po natin itong palitan ng iba. Okey lang ba sa inyo?
A:不(bú)要(yào)了(le)。您(nín)给(gěi)退(tuì)了(le)吧(ba)。Ayoko na nito. Pakitulong naman para maisauli ko ito.
Mga Tip ng Kulturang Tsino
Dapat siguruhin ng mga kaibigang dayuhan sa Tsina na humingi ng resibo sa taksi, hotel at malalaking tindahan para maprotektahan ang kanilang karapatan bilang mamimili sakaling magkaroon ng problema. Ang mga resibo para sa mga biniling bagay ay kailangan para sa garantiya at pagmamantine, pagsasauli at pagpapalit ng mga produkto at paglutas sa usapin ng kalidad. Huwag kalilimutang humingi ng resibo sa drayber bago bumaba ng taksi. Kung may nakalimutan kayo sa sasakyan mas madali ninyong mahahanap ang taksi at drayber nito at mas madali ninyong makukuha ang naiwan ninyong dala-dalahan dahil may hawak kayong resibo. Hindi rin madali ang pagpapakumpuni kung walang resibo. Ngayon, paano kayo makakakuha ng resibo? Habang binabayaran ang inyong binili, sabihin ninyo sa nagtitinda: "请(qǐng)你(nǐ)帮(bāng)我(wǒ)开(kāi)张(zhāng)发(fā)票(piào)。谢(xiè)谢(xiè)!" "Maari bang makahingi ng resibo? Salamat!"
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. 非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino --->
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |