|
||||||||
|
||
melo
|
DUMATING si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Manila Memorial Park sa Paranaque City kaninang umaga upang dumalo sa Misa sa ika-31 anibersaryo ng pagkakapaslang sa kanyang amang si dating Senador Benigno "Ninoy" S. Aquino Jr. noong 1983.
Nakahimlay ang labi ng dating senador at ng kanyang maybahay, dating Pangulong Corazon C. Aquino sa Manila Memorial Park. Nagsimula ang misa pasado ikasampu ng umaga. Dumalo rin sina Viel, Ballsy at Kris sa misa.
Kasama ni Kris ang kanyang bunsong anak na si Bimby. Dumalo rin si Pangasinan Congresswoman Gina Vera Perez de Venecia. Nakita rin ng mga mamamahayag si AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang na dumalo sa misa.
Binaril si dating Senador Aquino sa tarmac ng Manila International Airport sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas mula sa Taipei (noong 1983). Naging dahilan ng mga protesta ang insidente na nagwakas sa pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand E. Marcos na napilitang lumikas patungo sa Hawaii (Estados Unidos). Hindi nagtagal ay naging pangulo ang kanyang maybahay na si Corazon C. Aquino sa pamamagitan ng EdSA People Power 1 noong Pebrero 1986.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |