|
||||||||
|
||
High-ranking NPA leader, namatay sa piitan
ISANG mataas na lider ng New People's Army na nasa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology sa Oras, Eastern Samar ang namatay dahilan sa karamdaman noong Biyernes.
Ayon sa pahayagang Pacific Times, kinilala ang nasawi sa pangalang Nila "Ka Edna" Montes, mga 60 taong gulang ang nasawi samantalang isinusugod sa pagamutan sa Tacloban City.
Sinabi ni Fr. Santiago Salas, tagapagsalita ng National Democratic Front sa Eastern Visayas na kahit na may sakit na at nangangailangang magamot ay tinanggihan pa ng makataong pagtrato. Una nang nanawagan ang abogado ni Montes sa mga autoridad.
Nadetine sa isang marumi at 'di maayos na selda sa Oras at Dolores na malayo sa pagamutan. Idinagdag oa ni Fr. Salas na naghirap din si Montes tulad ng iba pang political prisoners sa ilalim ng pamahalaang Aquino.
Idinagdag pa ni Fr. Salas na maaaring nabuhay pa ng matagal ang akusado kung pinayagang siyang magpagamot ng militar at ng hukom. Nabalita ring may karamdaman sa baga ang lider ng mga NPA sa Silangang Kabisayaan.
Nagmula si Montes sa isang mayamang pamilya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |