|
||||||||
|
||
Hybrid rice seeds, inangkat ng Papua New Guinea
NATANGGAP nan g Calmwind Pty. Ltd. (CLP) ang higit sa 1,100 kilo ng hybrid rice mula sa Pilipinas. Ito ang simula ng matagal na pagtutulungan ng magkabilang panig.
Ipinadala ng SL Agritech Corporation noong nakalipas na buwan ang kargamento at nakarating na sa Papua New Guinea.
Ayon kay Dona T. Lim, SLAC assistant vice president para sa supply chain, ang export na ito ang nagpapakita ng pangangailangan ng mga mamamayan sa Papua New Guinea.
Makatutugon umano ang hybrid rice sa pangangailangan ng bansa lalo't magagamit ang mga dekalidad na binhi.
May 40 hektarya ang matatamnan ng binhi sa Gabadi, isa ring pangalan ng mga mamamayan sa bansa. Isa umanong pagsubok ito sapagkat hindi nagtatanim ng palay ang mga taga-Papua New Guinea kahit pa may lupain at tubig. Trial planting pa lamang ito sapagkat umaangkat ang PNG ng may 300,000 metriko toneladang bigas mula sa Australia.
Ang halaga ng bigas sa Papua New Guinea ay umaabot sa P 100.00 sa bawat kilo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |