|
||||||||
|
||
Pangalawang Pangulong Binay, pinarangalan
TINANGGAP ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay ang parangal na Ninoy Aquino Medal of Valor sa kanyang ginampanang papel sa paglaban sa diktadura sa seremonyang gumunita sa pagkakapaslang kay dating Senador Benigno Aquino, Jr. sa Manila International Airport may 31 taon na ang nakalilipas.
Sa kanyang talumpati, sinabi niyang mapapasapanganib ang kalayaan ng bansa kung magkakaroon ng term extension si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at (kung) babawasan ang poder ng Korte Suprema.
Idinagdag pa niya na napakaliwanag ng poder ng Korte Suprema ayon sa Saligang Batas. Mahalaga ito sa pagkakaroon ng check and balance sa lipunan.
Kabilang sa iba pang pinarangalan sina Atty. Charito Planas, Dr. Alejandro Roces (namayapa na) at Fernando Martin O. Peña. Ang Ninoy Aquino Movement ang namuno sa pagbibigay ng parangal sa mga lumaban sa diktadura.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |