|
||||||||
|
||
Panukalang Bangsamoro Basic Law, ibinigay na kay Pangulong Aquino
IBINALITA ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na isinumite na sa tanggapan ni Pangulong Aquino ang panukalakang Bangsamoro Basic Law.
Hinihintay na lamang ang kumpletong pahayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos-Deles hinggil sa pangyayari.
Binanggit na ni Secretary Deles na ang peace process at tumatakbo sa tamang panahon o schedule at ilalabas na lamang ang buong detalyes bukas. Sa isang text message, sinabi ni Secretary Deles na tulad ng napagkasunduan ng magkabilang panig, isinumite ng MILF ang final draft ng Bangsamoro Basic law sa tanggapan ni Executive Secretary Paquito Ochoa.
Napagkasunduan din na ang pinakahuling draft ay naisumite na kay Pangulong Aquino upang pagbalik-aralan.
Idinagdag pa ni Kalihim Deles na maaaring magkaroon pa ng mga pag-uusap ayon sa magiging payo ni Pangulong Aquino.
Ayon sa website ng Moro Islamic Liberation Front, naisumite na sa tanggapan ni Pangulong Aquino ang panukalang Bangsamoro Basic Law kagabing ikawalo.
Ayon sa ulat, si MILF chief negotiator at Bangsamoro Transition Commission Chairman Mohager Iqbal ang lumagda sa liham na nakapangalan kay Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr.
Sinabi ni Secretary Deles sa isang text message kay Secretary Herminio Coloma, Jr. na bukas maglalabas ng opisyal na pahayag ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.
Sa balitang lumabas sa website ng Moro Islamic Liberation Front, napaaga ang pagsusumite ng pamahalaan at ng MILF kaysa itinakda ng magkabilang panig. Naisumite na umano kay Pangulong Aquino kagabing ika-walo.
Tinanggap ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. sa harap nina Atty. Alfredo Benjamin Caguiao, ang chief legal counsel ni Pangulong Aquino, at Atty. Mike Musngi, assistant executive secretary, ang dokumento na nilagdaan ni Mohagher Iqbal, ang pinuno ng Bangsamoro Transition Commission.
Tulad ng napagkasunduan, matapos ang pagbabalik-aral ng pangulo, magpupulong silang muli upang ayusin ang mga nilalaman ng Bangsamoro Basic law na sesertipikahan ng pangulo bilang urgent bill sa Kongreso.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |