|
||||||||
|
||
Partido Liberal, magpupulong
SINABI ni Senate President Franklin M. Drilon na sang-ayon siya sa pagpupulong ng mga kasapi ng Partido Liberal upang pag-usapan ang isyu ng charter change.
Niliwanag din niya na pag-uusapan din ang desisyon ni Pangulong Benigno Aquino na huwag ng ituloy ang balak na tumakbo sa pangalawang pagkakataon.
Iminungkahi ni Budget Secretary Florencio Abad na magkaroon ng pulong. Inendorso ni Senador Drilon ang mungkahi ng budget secretary. Ito ang sinabi ng pangulo ng senado matapos ang isang Misa para sa yumaong Senador Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park sa Paranaque. Wala pang takdang petsa.
Ani Senador Drilon, hindi interesado si Pangulong Aquino sa pagbabago ng Saligang Batas sa kanyang panahon.
Pagtutuunan ng pansin ang pagbubukas ng Saligang Batas sa Kongreso upang baguhin ang economic provisions. Kung makakapasa ito, dadalahin naman sa Senador, dagdag pa ni Senador Drilon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |