|
||||||||
|
||
Melo 20140828
|
NILIWANAG ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na ipagdiriwang niya ang kanyang pagbaba sa puesto pagsapit ng ika-30 ng Hunyo sa 2016.
Sa isang panayam sa Bombo Radyo kaninang umaga, sinabi ni Pangulong Aquino na iisang taon at sampung buwan na lamang at makakasama niya si Undersecretary Rey Marfil at Assistant Secretary Delantar sa unang araw ng Hulyo, matapos bumaba sa puwesto at kakain sila ng masarap na pagkain na may streamer sa likod na may katagang "Kalayaan."
Ang mga binanggit niya ay sina Communications Undersecretary Rey Marfil at Assistant Executive Secretary Reynaldo Delantar, Jr.
Idinagdaga pa niya na pagpapahirap sa sarili ang pagpapatalagal pa sa kanyang puesto. Sa likod ng mga pahayag na ito, bukas pa rin ang lahat sa posibilidad na maglingkod pa ng higit sa 2016 sapagkat diringgin niya ang nais ng taongbayan.
Sinabi niya na nagkokonsulta sila sa iba't ibang sektor at itinatanong kung paano matitiyak na magpapatuloy ang lahat ng nasimulan at magawang permanente na.
Binanggit niya ang mga pagkakataon na siyang natanong kung nais pa niyang maglingkod ng higit sa 2016.
Sinabi ni Pangulong Aquino na kung personal lamang puede ng sabihing ang lahat ay may hangganan nagkataon lamang na tinatanong siya kung maipagpapatuloy ba ang nasimulang mga reporma.
Sa mga pahayag na ito, iba ang pananaw ng iba't ibang sektor. Tulad ng pahayag ni Pangalawang Pangulong Binay na nagsabing ang pagpapatagal sa puesto ni G. Aquino ay peligro sa demokrasya.
Para kay Fr. Joaquin Bernas, kasapi ng 1986 Constitutional Commission, malaking kamalian ang extension sa panunungkulan ni Pangulong Aquino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |