|
||||||||
|
||
Mga Obispo ng Pilipinas, nababahala sa nagaganap sa Iraq
NARARAPAT mapigil ang karahasang idinudulot ng Islamic State of Iraq and Syria sa mga ginawang pamamaslang at kawalan ng paggalang sa karapatang pangtao.
Sa isang pahayag, sinabi ni Arsobispo Socrates B. Villegas (Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines) na nagimbal ang daigdig sa pagpaslang kay James Foley.
Ani Arsobispo Villegas, maaaring hindi namatay si Foley dahil sa pananampalataya subalit nabatid na mayroong malalim na pananalig, ayon sa mga nakakilala sa kanya sa mga huling araw. Nagpadala ng personal na liham si Pope Francis sa nagluluksang pamilya at nakikiisa ang mga Filipino upang makamtan ang kapayapaan ng mga pinaslang.
Ani Arsobispo Villegas, nararapat lamang magimbal ang lahat sa walang pakundangang pagpaslang sa mga bata at mga sanggol. Libu-libo na ang nawalan ng tahanan dahilan sa mga nagpapasakit sa ngalan ng Diyos.
Bukod sa panalanganin, nanawagan si Arsobispo Villegas sa kanyang mga kapwa obispo na magsagawa ng koleksyon sa pangangailangan ng mga Kristiyano sa Iraq at Syria. Ipadadala ang malilikom na salapi sa Catholic Bishops Conference of the Philippines na magpapadala sa mga ecclesial provinces ng Syria at Iraq.
Hindi lamang umano napaalis sa kanilang mga tinitirhan, nilapastangan pa ang kanilang mga simbahan at ngayo'y nangangailangan ng pagkain at maiinom. Kahit pa hirap din ang mga Filipino, kailangan pa ring tumulong sa mga higit na nangangailangan, dagdag pa ni Arsobispo Villegas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |