|
||||||||
|
||
Ekonomiya ng bansa, nagtamo ng 6.4% GDP growth at 6% sa unang anim na buwan ng 2014
LUMAGO ang Gross Domestic Product ng 6.4% sa ikalawang tatlong buwan ng 2014 mula sa 7.9% noong unang anim na buwan ng 2013 subalit mas malaki ang growth rate na 5.6% sa unang tatlong buwan ng 2014.
Sa pahayag ni Romeo Recide, ang Officer-In-Charge ng Office of the National Statistician, ang second quarter growth ay natamo dahilan sa pag-unlad ng industry sector na lumago ng 7.8% at sinundan ng Services sector na lumago naman ng 6.0%.
Ang paglago ng Industry sector ay mas mababa kaysa nakalipas na taon na nagtamo ng 10.5% growth rates sa second quarter subalit mas mataas kaysa 5.3% sa unang tatlong buwan ng taon. Ang manufacturing na lumago ng 10.8% ang pinakamalaking ambag sa industry sector.
Sa kabilang dako, ang pagunlad sa services sector ay mas mababa kaysa natamo noong second quarter ng 2013 na umabot sa 7.8% at sa unang tatlong buwan ng 2014 na nagkaroon ng 6.8%. Samantala ang pagbawi ng Agriculture ay nakita sa 3.6% mula sa pagbaba ng 0.21% noong second quarter ng 2013.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |