|
||||||||
|
||
Chief Justice Sereno: Sagrado ang Saligang Batas
SINABI ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na kung magkaroon ng pakikipagkasundo sa mga nagkaproblema sa mga naging desisyon ng Korte Suprema, hindi ito nangangahulugan na hindi na nila gagawin ang kanilang tungkuling itinatadhana sa Saligang Batas.
Sa kanyang ikalawang "Meet the Press," sinabi ni Chief Justice Sereno na ang Saligang Batas ay binuo upang isaayos ang lahat at sa pamamagitan ng Saligang Batas, kailangang humatol ang Korte Suprema sa mga isyung lumalabag sa hangganang isinasaad ng batas.
Ang anumang magiging epekto nito ay wala na sa kamay ng Hudikatura at hindi kailanman tatalikod sa sinumpaang gagampanang gawain nito.
Sa naunang panayam kay Pangulong Aquino sa Bombo Radyo kaninang umaga, binanggit niyang hindi nararapat masyadong makialam ang Korte Suprema sapagkat nagpapahirap sila sa ehekutibo na magpatupad ng batas.
Ani Chief Justice Sereno, iginagalang niya ang pangulo at inaasahan niyang mayroon ding paggalang ang pangulo sa Korte Suprema. Para sa kanya, ang Saligang Batas ang nangunguna at sumusunod na lamang ang devotion to duty at loyalty to the country.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |