|
||||||||
|
||
Pagpapahusay ng mga parliamento, pinagusapan sa Maynila
MGA punong-abala ang Senado ng Pilipinas at Mababang Kapulungan sa pakikipagtulungan sa Inter-Parliamentary Union sa pagdaraos ng Asian Regional Consultative Meeting na magbabalik-aral sa mga nagaganap sa iba't ibang parliamento ngayon. Sinimulan ang pagpupulong kanina at magtatagal ng dalawang araw sa Manila Hotel.
Higit sa 20 secretaries general ng mga parliamento sa Asia at mga pinuno ng parliamentary development institutes at international organizations ang kalahok. Layuning mapag-ibayo ang parliamentary development support sa pamamagitan ng pagtutulungan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Senate President Franklin M. Drilon na umaasang ang matagal na pakikipagtulungan sa Inter-Parliamentary Union at Association of Secretaries General of Parliaments, ay mabibigyang pansin ang mga inaambag ng mga secretary general ng Asian national parliament at iba pang nagbibigay halaga sa mga nagaganap sa parliamento.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |