|
||||||||
|
||
我想买本北京导游手册 请问英文小说在几层卖?
20140910Aralin24Day2.mp3
|
Baka kailangan din po ninyo ng aklat-patnubay para sa Beijing. Magagamit ninyo ito sa inyong paglakbay sa paligid ng kapital na lunsod ng Tsina. Gusto ko ng aklat-patnubay para sa Beijing, sa wikang Tsino, ito ay:
我(wǒ)想(xiǎng)买(mǎi)本(běn)北(běi)京(jīng)导(dǎo)游(yóu)手(shǒu)册(cè).
我(wǒ), ako.
想(xiǎng), gusto.
买(mǎi), bumili.
Tulad ng natutunan natin, ang本(běn) ay salitang panukat para sa aklat. Dito, ito ay pinaikling一(yī)本(běn) na nangangahulugan ng isa
北(běi)京(jīng), Beijing, pangalan ng kabisera ng Tsina.
导(dǎo)游(yóu), patnubay.
手(shǒu)册(cè), polyeto.
导(dǎo)游(yóu)手(shǒu)册(cè), aklat-patnubay.
Narito ang ikatlong usapan:
B: 您好(nínhǎo)。我(wǒ)想(xiǎng)买(mǎi)本(běn)北京(běijīng)导游(dǎoyóu)手册(shǒucè)。Helo! Gusto ko ng aklat-patnubay para sa Beijing.
A: 那(nà)您(nín)直接(zhíjiē)上(shàng)二(èr)层(céng),就(jiù)在(zài)电(diàn)梯(tī)左(zuǒ)边(bian)。Pumunta lang po kayo sa ikalawang palapag at nasa kaliwa mismo ng elebeytor ang mga iyon.
Marami ang mabibiling interesanteng bagay sa mga tindahan ng aklat sa Tsina, makikita rin dito ang mga nobela at magasin sa ibat-ibang wika. Kung naghahanap kayo ng babasahin at gusto ninyong itanong kung nasaan ang mga nobela sa Ingles, maaari ninyong sabihing "Maari bang malaman kung nasaan ang mga nobela sa wikang Ingles?"
请(qǐng)问(wèn)英(yīng)文(wén)小(xiǎo)说(shuō)在(zài)几(jǐ)层(céng)卖(mài)?
请(qǐng), paki; 问(wèn), magtanong; 请(qǐng)问(wèn), mawalang-galang na po o maari bang malaman.
英(yīng)文(wén), wikang Ingles.
小(xiǎo)说(shuō), nobela.
在(zài), saan.
几(jǐ), alin; 层(céng), palapag; 几(jǐ)层(céng), aling palapag.
卖(mài), magbenta o magbili.
Maari bang malaman kung saan ipinagbibili ang mga nobela sa Ingles? 请(qǐng)问(wèn)英(yīng)文(wén)小(xiǎo)说(shuō)在(zài)几(jǐ)层(céng)卖(mài)?
Nagayon, narito ang ikaapat na usapan.
A: 请问(qǐngwèn)英文(yīngwén)小说(xiǎoshuō)在(zài)几(jǐ)层(céng)卖(mài)? Maari bang malaman kung nasaan ang mga nobela sa Ingles?
B: 在(zài)四(sì)层(céng)。Sa ikaapat na palapag.
Okey, susunod, ang Mga Tip ng Kulturang Tsino:
Sa Tsina, ang pagbisita sa bahay ng isang kaibigan at kasama sa trabaho ay kasuwal na aktibidad. Sa kalahatan, hindi kailangang magkaroon ng tiyak na panahon para sa pagbisita, at kung bibisitahin ninyo ang ibang tao, sabihin lang ninyo nang maaga at makakapunta kayo basta't nasa bahay ang bibisitahin. Sa pagbabago ng bilis ng pamumuhay at mabilis na pag-unlad ng makabagong paraan ng komunikasyon, ang pagdalaw sa mga kaibigan at kapamilya ay dumalang. Ang aktuwal na pagbisita ay nahalinhan ng mensahe sa cellphone, e-mail at iba pang paraan.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website or email
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino==>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |