|
||||||||
|
||
这橘子甜吗 多少钱一公斤?
wikangtsinoaralin19
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusa
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Nakakatuwa naman na makakabili rin kayo ng mga prutas sa mga naglalako sa daan. Kung gusto naman ninyong makabili ng mas marami pang sariwang prutas, puwede rin kayong magpunta sa palengke ng mga prutas dito sa Beijing. Sabihin natin na gusto ninyong bumili ng ilang mandarin. Una, siymepre gusto ninyong malaman kung hindi maasim. Maari ninyong tanungin ang nagtitinda sa ganitong paraan: Matamis ba ang tangerine?
这(zhè)橘(jú)子(zi)甜(tián)吗(ma)?
这(zhè), ito.
橘(jú)子(zi), mandarin.
甜(tián), matamis.
吗(ma), katagang patanong.
Ngayon, kasiyahan natin ang unang usapan:
A:这(zhè)橘子(júzi)甜(tián)吗(ma)? Matamis ba ang tangerine?
B:很(hěn)甜(tián)。Oo, matamis na matamis.
Pagkaraang matiyak ang kalidad ng prutas, tanungin naman natin ang halaga nito: Magkano ang isang kilo?
多(duō)少(shǎo)钱(qián)一(yī)公(gōng)斤(jīn)?
多(duō)少(shǎo), ilan o magkano.
钱(qián), pera.
多(duō)少(shǎo)钱(qián), magkano.
一(yī), isa.
公(gōng)斤(jīn), kilo.
Narito ang ikalawang usapan:
A:多少(duōshǎo)钱(qián)一(yī)公斤(gōngjīn)? Magkano ang isang kilo?
B:四(sì)元(yuán)钱(qián)一(yī)公斤(gōngjīn)。Apat na yuan ang isang kilo.
Sa wikang Tsino, mayroon pang isang pamantayan ng bigat na tinatawag na斤(jīn). Ito ay katumbas ng kalahating kilo.
Kaya maari rin ninyong itanong: Magkano ang isang jin?
多(duō)少(shǎo)钱(qián)一(yī)斤(jīn)?
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |