Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, binanatang muli
MATAPOS ang higit sa apat na taong panunungkulan, hindi pa rin natutunawan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang hinalinhang Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo na ngayo'y nasa hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga miyembro ng gabinete at mga kaalyado sa Kongreso, binanggit na muli ni Pangulong Aquino ang mga katiwaliang naganap sa ilalim ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo tulad ng fertilizer scan, NBN-ZTE deal, at ang sinasabing pandaraya sa nakalipas na halalan noong 2004.
Ipinagmalaki ni Pangulong Aquino na gumanda ang takbo ng ekonomiya bago naghalalan sa pag-asang magkakaroon ng magandang kahihinatnan ang eleksyon. Sa kanyang talumpati, tila pinuri niya ang kanyang sarili sa magagandang nagawa sa larangan ng mga pagawaing bayan at conditional cash transfer at pinuna ang dating administrasyon sa hindi pagpapatupad ng mga programang ito.
Binanatan din ni Pangulong Aquino ang mga pumupuna sa kanya na sa oras na magtagumpay ang kanyang mga programa, mangangagaw lamang sila ng eksena.
1 2 3 4 5 6