|
||||||||
|
||
140905melo.mp3
|
Inflation noong Agosto, 4.9% pa rin
PATAS ang headline inflation rate noong Agosto at umabot sa 4.9%, tulad noong nakalipas na Hulyo, ayon sa National Economic and Development Authority.
Ang pagtaas ng presyo ng pagkain at kuryente ang nagpataas ng inflation samantalang hindi gasinong gumalaw ang presyo ng iba pang mga paninda. Ang food inflation ay tumaas ng 8.3% noong Agosto at matatagpuan sa halos lahat ng major food items kung ihahambing sa nakalipas na taon.
Ayon kay Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan, mananatiling mataas ang presyo ng pagkain subalit inaasahan itong tatatag sa oras na pumasok ang aangkating bigas ng pamahalaan.
Idinagdag pa niya sa oras na pumasok ang ani ng mais sa kalagitnaan ng Setyembre, magkakaroon ng karagdagang buffer supply.
Ani Kalihim Balisacan, sa pagkakaroon ng pressure na may koneksyon sa posbleng pagtaas ng presyo ng pagkain at langis at nakabimbing pagdaragdag ng pamasahe, kailangan ang madaliang interventions na nakatuon sa maayos na supply ng mga kailangan ng mga mamamayan.
Sa larangan ng bigas, ang napapanahong pag-aangkat upang dagdagan ang local production ay higit na kailangan sapagkat inaasahan na rin ang pagbaba ng 1.2% sa produksyon ng palay sa ikalawang bahagi ng 2014.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |