NAGBAGO ANG PANANAW NG KONGRESO. Ito ang sinabi ni Congressman Joselito Atienza matapos magdesisyon ang Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang PDAF at DAP na mga mambabatas at ng Malacanang. Ito ang ugat ng panawagang pakialaman ng Kongreso ang Judiciary Development Fund na nalilikom sa pamamagitan ng docket fees. (Areopagus Social Media)
MATAPOS matanggap ang kautusan ng Sandiganbayan, ipatutupad na ni Senate President Franklin M. Drilon ang suspension order kay Senador Juan Ponce Enrile na tatagal ng 90 araw.
Sa isang panayam, sinabi ni Senate President Drilon na nakarating na ang desisyon ng Sandiganbayan na nagpapawalang saysay sa motion for reconsideration ng kampo ng senate minority leader. Wala umanong magagawa ang Senador kungdi ang pagpapatupad nito, ayon na rin si desisyon ng Korte Suprema sa isang usaping kinasasangutan ng isang mambabatas.
Ipinaliwanag ng beteranong mambabatas na nabasa na rin niya sa pahayagan na tinanggihan ng Sandiganbayan ang motion for reconsideration ni Senador Jinggoy Estrada kaya't wala silang magagawa kungdi ipatupad ito sa oras na matanggap nila ang desisyon. May desisyon ang Korte Suprema sa usaping Santiago versus Sandigabayan noong 2001 na kinilala ng kataastaasang hukuman na ang batas laban sa katiwalian ay maipatutupad rin sa mga halal ng mambatatas.
Sa oras na matanggap nila ang desisyon hinggil kay Senador Estrada, ipatutupad rin nila ito. Mayroong limang araw ang Senado na mag-ulat sa Sandiganbayan kung naipatupad nila ang kautusan.
1 2 3 4 5 6 7