Bangsamoro Basic Law, susuriing mabuti
TINIYAK ni Senator Aquilino "Koko" Pimentel III na susuriing mabuti ang Bangsamoro Basic Law tulad ng iba pang mga panukala sapagkat kinabibilangan ito ng "power at wealth sharing" sa pagitan ng pamahalaang Pilipino at panukalang Bangsamoro regional government.
Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na sa pagsusumite ni Pangulong Aquino ng Bangsamoro Basic Law sa Kongreso, susuriin niya ang mga probisyon at ihahambing sa nilalaman ng Saligang Batas, Local Government Code of 1991, lalo na sa pagbuo ng pamahalaan, mga gagawin at ang poder sa larangan ng politika.
Ani Senador Pimentel, mahalaga para sa lahat na magkaroon ng bukas na kaisipan at pakinggan ang lahat ng kasangkot upang manatiling maayos ang mga talakayan.
Umaasa siyang pag-aaralan ng mabuti ng mga apwa niya senador upang makita ang kahalagahan ng panukalang Bangsamoro Basic Law sa mga taga-Mindanao.
Idinagdag pa niya na ang kanyang legal team ay nagsimula ng suriin ang nilalaman ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro kahit hindi pa ito nailalathala.
1 2 3 4 5 6