|
||||||||
|
||
melo
|
Sa isang briefing sa Malacanang, sinabi ni Secretary Coloma na tulad ng napagkasunduan bago pa man nagkaputukan ang mga rebelde at mga kawal ng Pilipinas, wala ng idadagdag na kawal sa Golan Heights.
Ipinaliwanag pa niyang tatapusin na lamang ang takdang panahon at nais ng Pilipinas na maayos na aalis ang mga kawal sa kanilang destino. Ang desisyon ay walang kinalaman sa pagpuputukan ng mga rebelde at mga kawal na Pilipino noong nakalipas na linggo.
Ilang araw bago naganap ang pagkakabimbin ng mga kawal sa dalawang kampo, sa Positions 68 at 69, sinabi ng liderato ng bansa na ang mga kawal sa UN Peacekeeping Force sa Golan Heights at maging sa Liberia ay pauuwiin na dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Syria at mga rebeldeng guerilya at Israel. Aalis na rin ang mga kawal sa Liberia na kinatatagpuan ng Ebola Virus.
Idinagdag pa ni Kalihim Coloma na may koordinasyon ang Department of Foreign Affairs, Department of National Defense at maging ang Armed Forces of the Philippines sa United Nations hinggil sa kung nag-utos nga ba si UN Disengagement Observer Force Commander Lt. General Iqbal Singh Singha na sumuko na sa mga rebelde.
Ipinaliwanag pa niya na ang pagpapadala ng mga kawal na Filipino sa peacekeeping missions ay gawa ng United Nations at sa larangan ng international diplomacy, ito ay saklaw ng Department of Foreign Affairs.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |