Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nurse na may MERS Coronavirus, nasa Pilipinas

(GMT+08:00) 2014-09-03 18:42:54       CRI

Nurse na may MERS Coronavirus, nasa Pilipinas

IBINALITA ng Kagawaran ng Kalusugan ngayon na isang nurse na mula sa Dammam, Kingdom of Saudi Arabia ang nakapasok sa bansa noong ika-29 ng Agosto. Wala umanong sintomas ang nurse noong dumating sa Maynila.

Sa isang press briefing kanina, sinabi ni Kalihim Enrique Ona ng Kagawaran ng Kalusugan, dalawang nurse na may initials na CB at AP mula sa Dammam ang dumating sa Pilipinas sakay ng Saudia Airlines. Wala silang sintomas ng karamdaman ng pumasok sa bansa. Bilang precautionary measure, isang health check ang ginawa sa kanila noong ika-25 ng Agosto.

Sa kanilang pagdating, si Nurse CB ay sinalubong ng sampung kamag-anak, kabilang ang dalawang apo. Samantala, si Nurse AP ay nakipanuluyan sa bahay ni CB hanggang sumapit ang kanyang biyahe pauwi noong ika-31 ng Agosto.

Kahapon, si Nurse CB at dalawang apo ay nilagnat. Silang tatlo, kasama ang iba pang sumalubong ang kumunsulta sa Lung Center of the Philippines at nabatid na negative sa karamdaman.

Ang health authorities sa Saudi Arabia ang nagbalita na negative ang results ng pagsubok kay Nurse CB subalit positibo naman sa MERS Coronavirus si Nurse AP.

Ibinalita ni Nurse CB sa DOH ang findings at nagbigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng kanyang kasama. Kahapon ay natagpuan si Nurse AP sa South Cotabato at tinanggap agad sa Southern Philippines Medical Center. Wala siyang sintomas ng karamdaman pagdating sa pagamutan. Ang specimen ay ipinadala sa Reseach Institute for Tropical Medicine upang magkaroon ng higit na pagsusuri.

Sinabi ni Kalihim Ona na ginagawa ng pamahalaan ang lahat na matagpuan ang lahat ng mga pasaherong sakay ng Saudia Airlines, kabilang na ang domestic flight patungong South Cotabato.

Nanawagan si Kalihim Ona sa lahat ng mga pauwing Overseas Filipino Workers na mayroong sitomas ng karamdaman na makipagtulungan sa mga autoridad upang maiwasan ang pagkalat ng karamdaman at matiyak ang kanilang kaligtasan sampu ng kanilang pamilya.

Sintomas ng MERSCOV ang tila trangkaso na may lagnat, ubo at pagdudumi. Nakamamatay ang karamdamang ito kung hindi magagamot kaagad.

Limitado ang impormasyon kung paano kumakalat ang karamdaman subalit malaki ang posibilidad na ito ay sa pamamagitan ng direct contact sa mga kasama sa bahay at healthcare providers na exposed sa mga kumpirmadong kaso. Ginagawa ang pagsusuri sa pamamagitan ng serology at DNA tests. Makatutulong din ang maagang paggamot.

Wala pang travel restrictions patungo at mula sa Gitnang Silangan. Pinapayuhan ang mga naglalakbay sa gitnang silangan na umiwas sa mga taong tila may trangkaso at nararapat madalas maghugas ng kamay. Nararapat silang mag-ulat sa pagamutan sa oras na magkaroon sila ng karamdaman matapos ang 14 na raw ng pagdating at iwasan ang pagdalaw sa matataong pook hanggang sa mawala ang sintomas. Inatasan ng Kagawaran ng Kalusugan ang lahat ng pagamutan na mag-ulat sa oras na may matagpuang sintomas ng MERSCoronavirus.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>