|
||||||||
|
||
melo20140918.m4a
|
SA matagal nang inaasahang talumpati, sinabi ni Bise Presidente Jejomar C. Binay na walang mga dokumentong inilalabas laban sa kanya si dating Vice Mayor Ernesto Mercado at Atty. Renato Bondal.
Idinagdag pa niya na wala namang naipakikitang ebidensya kaya't hindi tatayo sa hukuman ang mga akusasyon. Ayon sa pangalawang pangulo, maihahambing ang pagdinig sa Senado sa isang circus.
Nanawagan si Binay sa mga bumabatikos sa kanya na tumigil na sa pagsisinungaling at harapin na lamang siya sa halalan sa 2016.
Ginagamit lamang umano ng mga bumabatikos sa kanya ang mga taong hinusgahan na sa Makati. Hindi umano karapatdapat maging mga opisyal ng Makati.
Makailang ulit humarap sa Senado si dating Vice Mayor Mercado na dating kaalyado ng Pamilya Binay. Sa kanyang pagharap sa Senado, sinabi ni Mercado na makailang ulit siyang nagdala ng salapi sa tahanan ng mga Binay. Nagmula umano ang salapi sa 13% kickback sa mga pagawaing bayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |