|
||||||||
|
||
Pagdinig sa usapin ng Sulpicio Lines, tuloy pa rin
LIMANG saksi ang itinampok ng Public Attorneys' Office kahapon sa pagpapatuloy ng pagdinig sa usapin ng lumubog na Princess of the Stars anim na taon na ang nakalilipas.
Sa pagdinig na ginagawa sa Regional Trial Court Branch 49 sa ilalim ni Judge Daniel C. Villanueva, sumailalim sa cross examination ng dalawang abogado ng Sulpicio Lines at ng may-ari ng barko ang mga saksing kinabibilangan ng mga naulila at mga nakaligtas sa trahedya.
Ayon kay Atty. Persida V. Rueda-Acosta, natuwa sila sa mabilis na paggalaw ng usapin sa Manila RTC sapagkat may 35 na silang saksing nadala sa pagdinig. Mayroon pang mga 35 mga saksi na nakahandang humarap sa cross examination ng mga abogado ng Sulpicio Lines na may iba nang pangalan ngayon.
Sa bilis ng pagdinig sa Manila RTC, umaasa si Atty. Acosta na matatapos ang pagdinig sa unang bahagi ng taong 2015 at magkakaroon ng 90 araw si Judge Villanueva upang maglabas ng kanyang hatol sa usapin.
Mayroong kasabay na usaping nasa Cebu Regional Trial Court na inihain ang mga kamag-anak ng mga nasawi at nakaligtas sa sakuna na nagmula sa Kabisayaan at maging sa Mindanao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |