Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang ebidensyang inilababas ang mga nag-aakusa laban kay Bise Presidente Binay

(GMT+08:00) 2014-09-18 17:35:34       CRI

Paglilikas ng 7,500 pamilya, natapos na

MGA MAMAMAYAN INILIKAS. Tumulong ang mga tauhan ng Philippine Army sa paglilikas ng may 7,575 pamilya mula sa mapapanganib na pook sa paanan ng Bulkang Mayon. Mga bata at matatanda ang binigyan ng prayoridad sa paglilikas. (Albert Gutierrez/Albay)

NAILAYO na sa posibleng panganib ang may 7,500 pamilya sa loob ng six-kilometer permanent danger zone at seven – to – eight kilometer extended danger zone sa paligid ng bulkang Mayon.

Sinimulang ilikas ng pamahalaang panglalawigan ang mga naninirahan sa paanan ng Mayon mula noong Lunes ng gabi matapos ideklara ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang Alert Level 3. Nangangahulugan ito ng mas malalang kalagayan ng bulkan na maaaring magtapos sa pagsabog sa loob ng ilang linggo.

LAHAT NG MASASAKYAN AY GINAMIT SA PAGLILIKAS. Makikita ang isang tricycle na sasakyan ng isang may kapansanan patungo sa mas ligtas na pook. Wala nang naninirahan sa paanan ng Bulkang Mayon. (Albert Gutierrez/Albay)

PAARALAN ANG PANSAMANTALANG TIRAHAN. Suspendido ang klase sa mga paaralang ginagamit na evacuation centers. Isang gusali itong itinayo sa tulong ng pamahalaan ng Espana sa Albay upang magamit na evacuation center sa oras ng trahedya. (Albert Gutierrez/Albay)

CARGO TRUCKS, GINAMIT DIN. Ang mga truck na pangkargamento ay ginamit din sa paglilikas ng mga mamamayan mula sa lang barangay sa Guinobatan, Albay. (Albert Gutierrez/Albay)

Sa pagtatala ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, umabot sa 7,575 pamilya ang kanilang nailikas.

Sinabi ni Gobernador Jose Sarte Salceda na natapos na nila ang paglilikas kahapon. Nagsimula nang manirahan ang mga inilikas sa mga paaralan na diumano'y punong-puno at nagkukulang sa mga bentilador at tubig.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>