|
||||||||
|
||
Pilipinas at Francia, nagkasundo sa pagharap sa climate change
MAGKAKAROON ng kaukulang hakbang at programa ang Pilipinas at Francia upang harapin ang mga pagbabagong magaganap dala ng climate change. Sa idinaos na pag-uusap sa pagitan nina Pangulong Bengino Simeon C. Aquino at French President François Hollande kahapon, nagkasundo ang dalawang pinuno ng bansa na magkaroon ng bagong kasunduang pakikinabangan ng lahat ng bansa sa 21st Conference of Parties to the Framework Convention of the United Nations on Climate Change na itinataguyod ng France sa susunod na taon.
Ayon sa pahayag ng Malacanang, sinabi ni Pangulong Aquino na napag-usapan nila ni Pangulong Hollande ang pangangailangan ng kongkretong programa upang magtagumpay ang pag-uusap hinggil sa climante change.
Ang pangkalahatang layunin ay mapanatiling mababa sa 2 degrees Celsius ang anumang pagbabago sa temperature. Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na iisang daigdig ang kinalalagyan ng sangkatauhan kaya't kailangang pangalagaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |