|
||||||||
|
||
Mga arkiladong eroplano ang apektado ng travel advisory
TANGING mga arkiladong eroplano mula sa Tsina ang kanselado matapos maglabas ng travel advisory laban sa Pilipinas.
Niliwanag ni Atty. Abigail Valte, deputy presidential spokesman, na hindi naman malubhang maaapektuhan ang travel industry sa bansa. Hindi umano commercial flights mula sa Beijing at Shanghai ang kanselado.
Ito ang kanyang sinabi sa isang press briefing sa Malacanang kanina. Dahilan sa travel advisory, pinagbawalan ang mga travel organizer na magbenta ng travel packages patungo sa Pilipinas.
Mayroong mga biyahe ng eroplano mula sa Xiamen patungong Legazpi City dalawang beses sa bawat linggo. Sa naunang panayam kay Zaldy Co, ang may-ari ng Misibis Bay, inaasahan nila ang pagdating ng halos 10,000 mga turistang magtatagal ng tatlong araw sa Bicol.
Nagsimula ang pagdating ng mga Tsinong turista sa Legazpi City noong magdaraos ng Chinese New Year. Naglabas ng travel advisory ang Tsina noong ika-12 ng Setyembre dahilan umano sa panganib na maaaring maranasan ng mga mamamayan.
Ang Tsina ang ika-apat na pinagmumulan ng mga turista sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |