Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang ebidensyang inilababas ang mga nag-aakusa laban kay Bise Presidente Binay

(GMT+08:00) 2014-09-18 17:35:34       CRI

Malaki ang potensyal ng mga magdaragat na Pinoy

SEAFARERS, MAY KINABUKASAN PA. Umaabot sa US$ 16,000 ang sahod ng mga kapitan ng malalaking oil tanker na naglalakbay sa buong daigdig. Ito ang sinabi ni Admiral Reuben Lista, dating commandant ng Philippine Coast Guard sa panayam. Kailangang masanay ang mga kabataang nais maging seafarers sa Mathematics. Halos 1/3 ng buong magdaragat sa daigdig ang mga Filipino, dagdag pa ni Admiral Lista. (Melo Acuna)

MAY magandang kinabukasang naghihintay sa mga nais gawing propesyon ang pagdaragat o pagiging seafarer.

Ito ang sinabi ni Admiral Reuben Lista, dating commandant ng Philippine Coast Guard na mayroong dalawang manning agencies. Sa isang panayam sa kanyang tanggapan sa Manila Yatch Club, sinabi niyang maraming bansa ang nagtangkang sabayan ang Pilipinas sa paglalabas ng mga magdaragat tulad ng Tsina, Indonesia at Vietnam, subalit ang itinuturing niyang pinakamalapit na katunggali ay ang mga magdaragat mula sa India sapagkat mayroon silang professional seafarers.

Hindi problema ang sasakyang barko sapagkat ang kailangan ngayon ay mga nasanay na magdaragat na makakabilang sa mga kumpanyang may mga barkong naglalakbay sa buong daigdig.

Sumasabay naman ang Pilipinas at mga paaralan sa requirements na nagmumula sa International Maritime Organization. Matagal nang naiipon ang mga magdaragat sa T. M. Kalaw sa may National Library sapagkat karamihan sa kanila ay naghahanap ng kumpanyang magbabayad ng mas malaki kaysa dating pinaglilingkuran.

Tinitingala ng industriya ang mga nakapagtapos sa Philippine Merchant Marine Academy, sa Maritime Academy of Asia and the Pacific at John B. Lacson sa Kabisayaan.

Iminungkahi ni Admiral Lista na yung mga paaralang hindi makapagpapasa ng mga nagtapos sa professional examinations ay makabubuting gawin na lamang na rating schools na mag-aalok ng pagsasanay upang maging mga kusinero at iba pang kawani sa barko.

Sa Pilipinas ay mayroong hanggang 20,000 mga nagtatapos taun-taon at mula 2,000 hanggang 2,000 lamang ang kailangan ng industriya. May 1,500 mga opisyal ang kailangan ng iba't ibang kumpanya.

Maayos umano ang pagkakahirang kay Max Mejia, isang nagtapos sa Annapolis upang mamuno sa MARINA. Ani Admiral Lista, sa kauna-unahang pagkakataon ay nangalap si Administrator Mejia ng mga magdaragat na sumama sa kanyang tanggapan kaya't nauunawaan na ng mga taga-MARINA ang problema ng karaniwang magdaragat.

Ang magdaragat na ang namimili ng kumpanyang papasukan ayon sa sahod na iaalok. Patuloy ang paghahanap ng mga banyagang kumpanya ng mga kwalipikadong magdaragat. Ang mga bagong graduate ay kailangang magpakitang-gilas upang sa susunod na siyam o sampung taon ay mararating na niya ang pagiging chief engineer o kapitan ng barko na sasahod ng mula sa 8,000 hanggang 14,000 dolyar. May mga Filipino na kumikita ng mula 15,000 hanggang 16,000 dolyar sa mga special tankers.

Tapos na umano ang panahon na imahen ng mga magdaragat ay babaero at lasenggo sapagkat nakatuon na sila sa kanilang pamilya at sa kanilang responsiblidad sa kumpanya. Bagama't wala pang Filipina na nagiging kapitan, mayroon ng naging chief mate at second engineer na babae. May 10% ng mga kadete sa PMMA ay kababaihan.

Karaniwang tumatagal ang magdaragat sa trabaho ng 15 hanggang 18 taon o sa pagdating sa 45 hanggang 50 taong gulang. Sa kanilang pagreretiro sa barko, magtatrabaho naman sila bilang recruitment officers o opisyal sa manning agencies. Karamihan ng mga marino ay takot sa kanilang asawa.

Idinagdag ni Admiral Lista na sasakay lamang muli ng barko ang isang kapitan kung may project si misis tulad ng pagpapagawa ng extension sa bahay at bibili ng bagong sasakyan.

Bagama't nakakatakot at mapanganib maglayag, sapat din naman ang kabayaran.

Mas makabubuting magpakadalubhasa sa Mathematics ang gustong maging seafarer, dagdag pa ni Admiral Lista.


1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>