|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
National Organizing Committee para sa APEC nagpulong sa Legazpi

APEC NATIONAL ORGANIZING COMMITTEE NAGPULONG. Dumating ang mga punong-abala sa APEC 2015 sa Legazpi City upang tingan ang mga paslidad at magkaroon ng simulation sa paglalakbay mula sa paliparan patungo sa mga conference venue. Pinamunuan ni Deputy Director General Anthony Alcantara ang pulong. Dumalo sina Chief Supt. Vic Deona ng PNP Regional Office No. 5 sa paghahanda. (Melo M. Acuna)
DUMATING sa Lungsod ng Legazpi ang mga kinatawan ng iba't ibang tanggapang may kinalaman sa paghahanda sa gagawing pulong ng mga senior officials ng iba't ibang bansang kabilang sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) na gagawin sa darating na Disyembre.
Sa pagpupulong na idinaos sa Oriental Hotel, dumalo ang mga opisyal ng militar at pulisya, kasama ang APEC National Organizing Committee, Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, Kagawaran ng Turismo at ang Site Task Group sa Albay.
Pinagtuunan ng pansin ang mga paghahanda ng Lungsod ng Legazpi at Lalawigan ng Albay sa napipintong pagdalaw ng mga tauhan ng iba't ibang embahada upang alamin ang estado ng paghahanda para sa pagpupulong na gagawin sa Disyembre.
Na sa Lungsod ng Legazpi sina General Anthony J. Alcantara, Deputy Director General, Bb. Jennifer Lazo, Head Executive Assistant, Louie Salazar ng Media at mga kinatawan ng Security Task Force.
Si Albay Governor Jose Sarte Salceda ang namumuno sa Site Albay Task Group kasama ang iba't ibang regional directors ng mga ahensya ng pamahalaan.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |