|
||||||||
|
||
141004melo.mp3
|
Mga Filipinong magtutungo sa Hong Kong, pinag-iingat
PINAG-IINGAT ang Malacanang ang mga Filipinong nakatakdang dumalaw sa Hong Kong kasunod ng mga sagupaan sa pagitan ng mga pro-democracy at anti-protest groups.
Sinabi ni Atty. Abigail Valte, ang deputy presidential spokesman na matapos ang ilang araw ng mga protesta na kinabilangan ng pagpasok ng mga mamamayan sa ilang pook ng Hong Kong na magkaroon ng malayang halalan, wala pa namang pormal na travel advisory ang bansa.
Ayon kay Atty. Valte, sa lahat na magtutungo sa Hong Kong, kailangang maging maingat sa kanilang kapalaigiran sapagkat mayroong mga tourist spots na pinasok ng mga demonstrador.
Tumindi ang tension kahapon sa shopping districts matapos gibain ng anti-protest groups ang barikada ng mga nagra-rally. Nagkasagupaan din ag magkabilang panig. Napaghiwalay naman ang magkabilang panig (sa pamamagitan ng mga autoridad).
Karaniwang mayayamang mga Filipino, tulad ng mga congresista at kanilang mga maybahay, ang namimili sa Hong Kong.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |