Malacañang, tumanggi sa panawagang magbitiw si P. Aquino
PATULOY na maglilingkod at magpapatupad ng mga reporma si Pangulong Aquino sa likod ng mga panawagan ng ilang sektor na magbitiw na sa pinakamadaling panahon.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang panawagan ng National Transformation Council ay opinyon lamang ng isang sektor at hindi sumasalamin sa paninindigan ng mga mamamayan na patuloy umanong sumusuporta sa liderato ni Pangulong Aquino.
Sa kanyang pahayag sa Radyo ng Bayan, isang himpilang pag-aari ng pamahalaan, sinabi ni Secretary Coloma na obligado si Pangulong Aquino na tapusin ang kanyang tungkuling sinumpaan. Ipagpapatuloy pa niya ang mga nasimulang reporma na maghahatid ng malawakan at matatag na kaunlaran.
Naunang tinanggihan ng Palasyo ang panukalang pakikipag-usap sa mga bumubuo ng National Transformation Commission na kinabibilangan ng ilang mga obispo ng bansa. Kasama sa NTC si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal na tumanggi namang nanawagan sa pagbibitiw ng pangulo.
1 2 3 4 5 6