|
||||||||
|
||
有没有去云南的路线 我希望日程不要太紧
20141120Aralin32Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay.好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Noong nakaraan, pinag-ukulan natin ng atensyon ang hinggil sa mga espesyal na katangian ng mga karakter na Tsino.
Sa ating bagong aralin, pag-aaralan natin ang ilang kapaki-pakinabang na ekspresyon kung gusto ninyong ipaubaya sa travel agency ang pagsasaayos ng inyong biyahe.
Masasabi kong ang probinsyang Yunnan ay isang lugar na karapat-dapat bisitahin, dahil ang kabisera nitong Kunming ay ang tinaguriang "Lunsod ng Tagsibol." Sa buong taon, katamtaman at komportable ang temperatura sa lunsod; hindi mainit at hindi rin malamig. Dahil sa temperaturang ito, buong taon ding nananatiling luntian ang lunsod dahil sa mga puno at halaman,
Kung kayo ay bibiyahe sa Yunnan, maari ninyong tanungin ang travel agency sa ganitong paraan: Mayroon ba kayong biyahe papuntang Yunnan?
有(yǒu)没(mei)有(yǒu)去(qù)云(yún)南(nán)的(de)路(lù)线(xiàn)?
有(yǒu), magkaroon o mayroon.
没(méi)有(yǒu), wala.
有(yǒu)没(mei)有(yǒu), mayroon o wala
去(qù), punta sa.
云(yún)南(nán), pangalan ng lalawigan sa timog-kanlurang Tsina.
路(lù), lansangan; 线(xiàn), linya; 路(lù)线(xiàn), ruta.
Narito ang unang usapan:
A: 你好(nǐhǎo)。有没有(yǒumeiyǒu)去(qù)云南(yúnnán)的(de)路线(lùxiàn)? Helo, mayroon ba kayong biyahe papuntang Yunnan?
B: 有(yǒu)。五月一(wǔyuèyī)号(hào)出发(chūfā),七(qī)号(hào)返回(fǎnhuí)北京(běijīng)。Oo, mayroon. Sa Mayo uno ang alis at sa asiyete naman ang balik sa Beijing.
Nasabi natin kanina na talagang maganda ang tanawin doon sa Yunnan, at ayaw ninyo ng mahigpit na iskedyul, maari ninyong sabihin ang ganito sa kanila: Umaasa akong hindi masyadong mahigpit ang iskedyul/Ayoko ng mahigpit na iskedyul.
我(wǒ)希(xī)望(wàng)日(rì)程(chéng)不(bú)要(yào)太(tài)紧(jǐn).
我(wǒ), ako.
希(xī)望(wàng), umasa.
日(rì)程(chéng), iskedyul.
不(bú)要(yào), hindi o huwag.
太(tài), masyado o labis.
紧(jǐn), mahigpit.
Narito ang ikalawang usapan:
A: 我(wǒ)希望(xīwàng)日程(rìchéng)不要(búyào)太(tài)紧(jǐn)。Ayoko ng mahigpit na iskedyul.
B:当然(dāngrán),旅游(lǚyóu)是(shì)为了(wèile)放松(fàngsōng)和(hé)休息(xiūxī)。Siyempre, ang layon ng paglalakbay ay magpahinga sa trabaho at magrelaks.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |