|
||||||||
|
||
我想多去些地方 哪儿卖纪念品
20141120Aralin32Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Kung gusto naman ninyong bumisita sa iba pang magagandang lugar sa Tsina, maari ninyong sabihin sa travel agency ang ganito: Gusto kong bumisita sa iba pang lugar.
我(wǒ)想(xiǎng)多(duō)去(qù)些(xiē)地(dì)方(fāng).
我(wǒ), ako.
想(xiǎng), gusto.
多(duō), iba pa o marami pa.
去(qù), magpunta o bumisita.
些(xiē), salitang pambilang na nangangahulugang ilan.
地(dì)方(fāng), lugar.
Narito ang ikatlong usapan:
A: 我(wǒ)想(xiǎng)多(duō)去(qù)些(xiē)地方(dìfāng)。Gusto kong bumisita sa iba pang lugar.
B: 没(méi)问题(wèntí),我(wǒ)帮(bāng)你(nǐ)安排(ānpái)。Walang problema. Aayusin ko iyan para sa iyo.
Sa mga lugar na ito, maaring gusto ninyong malaman kung saan kayo makakapamili ng inyong maipapasalubong pag-uwi. Saan ibinibenta ang mga subenir?
哪(nǎ)儿(er)卖(mài)纪(jì)念(niàn)品(pǐn)?
哪(nǎ)儿(er), saan.
卖(mài), ipagbenta o magtinda.
纪(jì)念(niàn)品(pǐn), subenir o alaala.
Narito ang ikaapat na usapan:
A: 哪儿(nǎer)卖(mài)纪念品(jìniànpǐn)?Saan ako makakapamili ng mga subenir?
B: 一直(yìzhí)往前(wǎngqián)走(zǒu)就(jiù)能(néng)看到(kàndào)了(le)。Dumeretso lang kayo at makikita niyo ito.
Ngayon, narito po ang Mga Tip ng Kulturang Tsino.
Sa Tsina, ang mga magpie ay itinuturing na masusuwerteng ibon. Pagsapit ng tagsibol, nagtitipun-tipon sila sa mga sanga ng puno at sabay-sabay na humuhuni. Ang kanilang mga huni, bukod sa itinuturing na kaaya-aya sa pandinig, ay pinaniniwalaan ding nagdadala ng magandang balita at pagdating ng mga bisita.
Ayon sa alamat, ang ika-7 ng Hulyo sa kalendaryong lunar ng Tsina ay ang araw ng pagtatagpo sa kalangitan ng mag-asawang sina 牛(niú)郎(láng), isang pastol ng baka at 织(zhī)女(nǚ), ang manghahabi. Upang makatawid ang pastol sa mga pulong-bituin para salubungin ang asawa, libu-libong magpie ang magkakasamang lumilipad taun-taon, at bumubuo ng isang tulay na mag-uugnay sa magsing-irog. Ang tawag ng mga Tsino sa tulay na ito ay "鹊(què)桥(qiáo)" na ang ibig sabihin ay "tulay ng magpie." Sa panahong ito, maraming ahensiyang may kinalaman sa pag-aayos ng kasal, programa sa telebisyon at mga aktibidad na may kaugnayan sa matchmaking ang madalas na gumagamit ng pangalang "鹊(què)桥(qiáo)".
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website o email
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino==>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |