|
||||||||
|
||
Melo 20141203
|
Bagyong "Hagupit" posibleng dumaan sa Eastern Visayas
NASA mahigpit na pagbabantay ang mga autoridad sa posibilidad na dumaan ang bagyong "Hagupit" sa Silangang Kabisayaan.
Sa isang press conference kanina, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA) na tatami ang bagyo sa Silangang Kabisayaan sa Linggo.
Maaaring umabot sa 175 kilometro bawat oras ang tangay na hangin ng bagyong magbubuhos ng matinding ulan at makagagawa ng daluyong na aabot sa apat na metro. Papangalanang "Ruby" ang bagyo sa oras na pumasok ito sa nasasakupan ng Pilipinas.
Ayon kay Rene Paciente, isang senior weather forecaster ng PAGASA na oras na umabot ang hangin nito sa 220 kilometr bawat oras, kikilalanin itong super typhoon. May kakayahan ang bagyong may lakas na 175 kilometro bawat oras na makatangay ng mga bubong, makapinsala ng mga tahanan, magpatumba ng poste ng kuryente at cell site towers.
Sinabi naman ni Mahar Lagmay, director ng Project NOAH – Nationwide Operational Assessment of Hazards, mababatid sa darating na Biyernes o 48 oras bago tumama sa lupa ang bagyo, ang taas ng mga along dala ng daluyong at ang layong mararating nito sa kalupaan. Maglalabas sila ng kaukulang abiso.
Ipinaliwanag pa ni Lagmay na kanilang nalaman ang taas ng daluyong dalawang araw bago sumapit si "Yolanda" sa Kabisayaan. May lawak ang bagyong 600 kilometro at maaaring madama sa Southern Luzon, Kabisayaan at Mindanao.
Sa panig ni G. Paciente, madarama na ang epekto ng bagyo sa darating na Biyernes at mas magiging maayos ang forecast sa lakas at daraanan nito.
Niliwanag ng PAGASA na posibleng tumama na naman si "Hagupit" sa Eastern Visayas tulad ng naranasan noong tumama si "Yolanda" higit na sa isang taon ang nakalilipas.
Bagaman, may posibilidad na kumilos ito pahilaga sa direksyon ng Japan at hindi na tumama sa kalupaan.
May posibilidad ring tumama sa Bicol o sa Hilangang Silangang Mindanao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |