Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagyong "Hagupit" posibleng dumaan sa Eastern Visayas

(GMT+08:00) 2014-12-03 18:16:48       CRI

Mga bilanggo, umaasang mapapansin sila ni Pope Francis

BUHAY ang pagasa ng mga bilanggong mapapansin sila ni Pope Francis. Ito ang sinabi ni G. Rodolfo Diamante, executive secretary ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa isang panayam sa CBCP Online Radio.

Lumiham ang mga bilanggo sa piitang saklaw ng Bureau of Corrections kay Pope Francis na idinaan kay Arsobispo Guiseppe Pinto, ang Apostolic Nuncio sa Pilipinas may dalawang buwan na ang nakalilipas.

Ayon sa mga bulanggo, marami silang mga nagawang pagkakamali at pinagbabayaran na nila ang kanilang mga nagawa. May mga pagkakataong tinalikdan na sila ng kanilang mga mahal sa buhay.

Hindi umano madaling mbilanggo sapagkat mahihirapan na nilang maibalik sa maayos ang kanilang katayuan dahilan sa walang katapusang pagdududa ng lipunan sa kanila. Sumailalim na sila sa mga pagsasanay at pag-aaral at nagkapanahon upang manampalataya.

Sa paglipas ng panahon, unti-unting napawi ang kanilang poot at kawalan ngpag-asa. Isang magandang pagkakataong mabatid nilang mayroon pa ring nagmamahal sa kanila.

Hiniling ng mga bilanggo na makasama si Pope Francis ng kahit ilang sandali sa kanyang pagdalaw sa Pilipinas sa darating na Enero.

Ipinaliwanag ni G. Diamante na sa nakitang schedule ng Santo Papa, tila walang nakalaang panahong dumalaw sa National Bilibid Prison kaya't umaasa na lamang ang mga bilanggo na kahit ang ilan sa kanilang mga kamag-anak ay mabigyan ng puwang sa pagtitipon ng mga pamilyang Pilipino sa SMX sa Mall of Asia.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>